Thursday, May 7, 2009

Summer?

Natatawa ako sa sarili ko kasi kung kelan malapit na mag-end ang summer vacation summer eh ngayon ko lang naisipang mag-post ng blog about summer. Siguro, hindi ko lang talaga feel. Hindi ko feel ang summer! Since nung bata pa ko, kapag summer vacation eh hindi ko naman gawain na pumunta ng probinsya to spend a week or two. Sa taun-taong ginawa ng diyos eh hindi ko pa un naranasan. Una, kasi wala naman kami masyadong kamag-anak sa province. Kung meron man, hindi ko sila close. At kung may opportunity man na pumunta ko dun eh isang araw lang at larga na agad kami pauwi. how sad.

Summer, anjan ang mga swimming ng family, or ng mga barkada or classmates. Ewan ko ba parang this year's summer was the most boring summer vacation ng buhay ko. Kumbaga eh wala ako sa mood. Amf. Nagswimming sila sa isang beach sa Bataan, hindi ako sumama. Nagswimming sila sa isang resort sa Bulacan, ayoko pa rin sumama. mas feel ko pang makisalo at makisawsaw at makipagsiksikan sa swimming pool ng kapatid kong maliit.

Nakakasawa. Araw-araw na lang. Siguro, In a day, 6-7 hours ako nakaharap sa computer (kaadikan) Gigising ako ng 9am, lalabas ng bahay at magbabantay ng pc shop until lunch then after that, uuwi ako sa house para matulog at matulog at kumain at makinig ng radio para makatulog ulit. At pagkagising, nood ng tv, kain ng dinner, tambay sa labas at magbantay ulit ng shop, at kapag wala nang customers ay magsasara na ako at uuwi na para makinig ng radyo or manuod ng tv hanggang madaling araw. Araw-araw na lang. Nakakasawa na. Anu ba namang buhay toh?

Naisip ko tuloy sana magpasukan na. Pero bakit ganun? Kapag naman nag-start na ang class eh tinatamad naman ako pumasok at humihiling na sana walang pasok. Ano ba yan. Para na akong tanga. Haayyy buhay, parang Life!


PERO~ hindi dito nagtatapos ang lahat. Masaya pa din naman ako kahit ganito ang summer ko. Bakit? Kasi masaya ko at lagi akong online at nakaka-pag update ng email ko. Madami din akong na-discover na mga bagay-bagay. Kahit papaano naman eh naging makabuluhan ung summer ko. Natuto ako mag-plurk at nagsawa mag-friendster. Gumawa ng account sa Facebook at maglaro ng petsociety. Mag-download ng mga latest songs at patugtugin ng malakas sa loob ng shop. Maglaro ng dress-up, burger machine, at maglutu-lutuan sa y8, (may y3 na dn pala ngaun ^^) .At makipag-chat sa mga taong sa computer ko lang nakilala. Special Mention ko pla si Bluaxel.. ay mali.. BlueXeal pla. Sorry duling lang. hehe. Napagkamalan pa kitang si yabz nun. lolz. Thanks nga pala dba pag-uwi mo dito diba lilibre mo ko? thanks talaga :D at mababayaran mo na mga utang mo sakin. ahhaha. (peace)

Anyway, next week eh enrollment na. Salamat at makakalabas nanaman ako ng Barracks. Maglalakbay patungong eskwelahan ng halos isang oras. Makikita nanaman ang mga classmates na pasaway at ang mga professors na walang ginawa kundi.. syempre turuan kami. Andyan nanaman ang bagong bag, sapatos, notebook at tenteeeneeeneeeen.. ang aking INTERNSHiP uniform xD.. excited?

Sige. Bye Summer, Hello Rainy Season hehe. Anjan na si Emong. Ihanda na ang
umbrella-ella-ella-eh-eh-eh..

p.s.

Lord, sana po next summer makapamasyal naman ako :D kahit sa Bagiuo lang :D ty mwua









No comments:

Post a Comment